Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Patricia Raybon

Tumingala

Nang ipasilip ng tagagawa ng pelikulang si Wylie Overstreet ang buwan gamit ang kanyang teleskopyo, labis na namangha ang mga tao. Humanga sila sa ganda nito sa malapitan. Sinabi ni Wylie na sa pamamamagitan ng pagmamasid sa napakagandang buwan na iyon ay lalo tayong mapapaisip na mayroon talagang dakilang Manlilikha na nakahihigit sa atin.

Lubos ding namangha si David sa…

Pagliwanagin Ang Ilaw

Labis akong kinakabahan dahil sa aking nalalapit na pagtuturo sa aming simbahan tungkol sa pananalangin. Iniisip ko kung magugustuhan ba ng mga makikinig ang mga ituturo ko. Dahil sa aking kabalisahan, masyado kong naituon ang aking atensyon sa paghahanda sa mga ituturo ko. Pero isang linggo bago ito magsimula, kakaunti lang ang nahikayat kong dumalo.

Ipinaalala naman sa akin ng…

Iingatan Ng Dios

Bago tuluyang magpaalam ang maliit naming apo, lumingon muna siya at nagtanong, “Lola, bakit ka po tumatayo sa bakuran at pinapanood kaming umalis?” Napangiti ako sa kanya dahil sa cute niyang tanong. Pero sinubukan ko siyang bigyan ng magandang sagot, “Kagandahang-loob iyon. Kung bisita kita, pinapakita kong nag-aalala ako sayo ‘pag binantayan kita hanggang sa makaalis ka.” Nagulumihanan pa rin…

Mayaman Sa Dios

Namuhay ang mga magulang ko sa panahon ng Great Depression. Napakahirap ng pamumuhay nila noo. Dahil dito, natuto silang magsumikap at maging mabuting katiwala ng mga kaloob ng Dios. Hindi sila sakim. Pinagkaloob nila ang panahon, kakayahan, at kaloob nila sa simbahan at mga taong nangangailangan. Tunay na mahusay ang paghawak nila ng salapi na kaloob sa kanila ng Dios.…

Manatili Sa Tamang Daan

Iniaalay ni David Brown sa Dios ang kanyang pagkapanalo at parangal na pinakamabilis tumakbo na bulag sa buong mundo. Pinapasalamatan din niya ang gabay niya sa pagtakbo na si Jerome Avery.

Sinabi ni Brown na ang sekreto sa kanyang pagkapanalo ay ang pakikinig sa bawat paggabay ni Avery sa kanya. Nakikinig at nagsasanay si Brown kasama si Avery upang malampasan…

Upuan Ng Magkaibigan

Sa bansang Zimbabwe, marami tayong mga taong makikita na namumuhay sa kawalan ng pag-asa dulot ng giyera at kahirapan. Pero may natagpuan silang pag-asa mula sa ‘Upuan ng Magkaibigan’. Maaaring pumunta roon ang mga taong nawawalan ng pag-asa at may sinanay doon na isang matandang babae na makiking sa kanila.

Ang ‘Upuan ng Magkaibigan’ ay isang proyekto na makikita rin…